
VIVA PIT SENYOR STO. NIÑO!

Ang Santo Niño ay representasyon ng pagiging ganap na Kristiyano sa pagkilala sa imahe ng banal na sanggol na si Hesus. Ito rin ang pangunahing Santo-patron ng lalawigan ng Cebu.
Sa kasaysayan nito, nagsimula ang lahat sa panahon ni Ferdinand Magellan ng sapitin ng hanay ng Espanyol ang pananakop ng tripulanteng Portuges ang Pilipinas at ialay sa atin ang imahe ng Sto. Niño na yari sa kahoy at inukit ng mahusay na artistanong Flemish na sumisimbulo ng pagbibinyag bilang Kristiyano.
Sa mga hiwagang ipinakita ng Sto. Niño, mababasa rin ang himala nito sa libreta na pinamagatang Milagros del Santo Niño at Sermone Misticas.
Mayroong labing limang Pista ng Sto. Niño sa iba’t ibang lugar sa ating bansa na idinaraos tuwing ikalawa at ikatlong linggo sa buwan ng Enero. Ang ilang pinakasikat dito ay ang Pista ng Ati-Atihan sa Aklan, Sinulog sa Cebu, Dinagyang at Binanog sa lalawigan ng Ilo-Ilo.