
PETRON CORP NAGTAMO NG PARANGAL MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG ROSARIO, CAVITE
Read Time:35 Second

PAGKILALA SA KARANGALAN: Isang pagkilala sa karangalang “ONE OF THE BEST IN COVID – 20 HEALTH AND SAFETY PROTOCOLS INDUSTRY CATEGORY” ang natamo ng PETRON CORP mula sa lokal na pamahalaan ng Rosario, Cavite sa pangunguna ni Mayor Voltaire V. Ricafrente nitong Martes, Enero 19, 2021.
Ang karangalang ito ay tinanggap ni Engr. Joey Ortega, Petron Manager, bilang pagkilala rin sa kanilang walang humpay na adbokasiya sa pagpapalawig ng isang mahusay at kapaki-pakinabang ng mga gawain kasama ang bayan ng Rosario.
Tungo sa pagtataguyod ng kabutihan at seguridad ng higit na nakararami at naaangkop sa panahong pandemya.
Sa patuloy na pagpapatatag ng kakayahan at kagalingan sa pagpapatupad ng mga mekanismong pangkaligtasan. (Ni Sid Luna Samaniego)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.