
$10-billion Airport project deal sa Cavite, kinansela na ng lokal na pamahalaan

CAVITE, Philippines — Kinansela ng probinsya ng Cavite ang inaward nito na $10 bilyong airport deal dahil sa hindi fully committed ang naturang Chinese firm at dahil na rin sa kinasasangkutan nitong mga isyu sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpatuloy sa mga digmaan sa Beijing noong 2016.
Napagtagumpayan ng China Communications Construction Co (CCCC) at ng MacroAsia Corp sa Pilipinas ang auction noong 2019 upang makipagtulungan sa pamahalaang lokal ng Cavite para i-upgrade ang Sangley airport.
“The notice of selection and award for the Sangley Point International Airport Project issued on 12 February 2020 was cancelled,” pahayag ng MacroAsia sa stock exchange ngayong Miyerkules, Enero 27, 2021.
Sinabi ni Cavite Governor Juanito Victor Remulla sa panayam nito sa Reuters na ang dokumento ng consortium ay nagkaroon ng “deficient in three or four items”.
“We saw it as a sign they were not fully committed to the project,” saad ni Remulla.
Nakikipag negosasyon na muli ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa mga pribadong sektor para ipagpatuloy ang naunsyaming proyekto.
Matatandaan na ang CCCC ay kabilang sa mga Chinese firms na blacklisted sa Estados Unidos noong Agosto dahil sa pagtatayo nito ng mga artipisyal na isla sa South China Sea. (Ni Rex B. Molines via Cavite desk)