Gobernador ng North Cotabato kinondena ang pagpasabog ng umanoy “IED” sa bayan ng Tulunan

Read Time:1 Minute, 12 Second

NORTH COTABATO, Philippines –– Kinonsidera ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na isang “dagok” sa seguridad at kapayapaan ng probinsya nito ang nangyaring pagsabog ng isang umanoy “improvised explosive device” (or IED) sa bayan ng Tulunan bandang 12:30 ng tanghali ngayong araw, Enero 27.

Mariing kinondena ni Governor Catamco ang nangyaring pagsabog at kinonsidera ito na isang “pagsubok” lamang.

“Tulad ng lahat na pagsubok na ating napagdaanan, sama-sama at tulong-tulong tayong bumangon,” sabi ni Governor Catamco sa kanyang official statement na inilabas sa social media.

Ayon sa gobernadora, ang pagsabog ay isang “kapalastangan” sa batas at sa karapatang-pantao ng bawat mamamayan ng probinsya.

Umapela ito sa PNP na gumawa ng hakbang upang mahuli kaagad ang mga taong responsable sa pagpapasabog ng umanoy IED sa bayan ng Tulunan.

“Dapat ay hindi na ito maulit pa,” sabi ni Governor Catamco.

 Sinabi ng gobernadora na tutulungan nito ang mga biktima dahil obligasyon nito bilang isang “ina” ng probinsya na tulungan sila.

Umapela ito sa mga residente na maging maingat at mapagmasid sa paligid. 

“Makipagtulungan po tayo sa mga kinauukulan upang maiwasan ang ganitong pangyayari,” sabi ng gobernadora.

Ayons a report na nakuha ng Diyaryo Milenyo-Mindanao Desk, galing sa Kidapawan City ang nasabing bus ng Yellow Bus Line (YBL) at papunta ito sa Tacurong City ng maganap ang pagsabog. (RASHID RH. BAJO with reports TACURONG TAMBAYAN FB PAGE/Photo credit to BRIGADA NEWS FM KIDAPAWAN CITY)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post $10-billion Airport project deal sa Cavite, kinansela na ng lokal na pamahalaan
Next post Nawawalang 7-anyos na batang babae kahapon, nakitang patay ngayong-umaga
%d bloggers like this: