Nawawalang 7-anyos na batang babae kahapon, nakitang patay ngayong-umaga

Read Time:1 Minute, 6 Second

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

ISULAN, Sultan Kudarat –– Bumuhos ang luha at awa ng mga residente sa kaawa-awa na sinapit ng isang 7-anyos na batang babae na natagpuang patay sa tabi ng ilog dito ngayong-araw (Huwebes, Jan. 28).

Kinilala lamang ang bata na si “Maria Luciana” na sinsasabing nakatira sa Old Capitol, Barangay Kalawag 2 ng bayan na ito.

Ayon sa report na nakuha ng Tacurong Tambayan FB page, natagpuan ang nasabing bata na patay na at nakahandusay sa tabi ng Ala River.

Ayon naman sa kwento ng ina ng bata, kahapon (Miyerkules, Jan. 27) mga pasado alas-syete ng gabi, pumunta sila nito sa Purok Lupok sa Barangay Kolambog ng bayan na ito para dumalo sa isang birthday party doon.

Makalipas ang ilang oras, napansin ng ina ng bata na nawawala ito. Hinanap nila pero hindi nila makita ang bata.

Ngayong-umaga lang, mga pasado alas-nuybe, nagulantang ang ina ng bata ng pumutok ang balit ana may isang batang-babae (na kaedad ng kanyang anak) ang nakitang patay na sa tabi ng ilog.

Ayon sa report, kinumpirma ng nasabing ina na anak nga niya ang nakitang patay na bata ngayong-umaga.  

As of press time, patuloy pa ring nag-iimbestiga ang Isulan PNP sa sinasabing insidente. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Tacurong Tambayan FB page)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Gobernador ng North Cotabato kinondena ang pagpasabog ng umanoy “IED” sa bayan ng Tulunan
Next post FREZYDERM YOUR COMPLETE SKIN CARE REGIMEN

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: