
MIGRATORY BIRDS DINAYO ANG ISLA BONITA

Hindi lang mga tao ang dumarayo sa Isla Bonita ngayon, maging ang mga Migratory Birds o Ibong Tagak ay dinarayo na rin ito.
Nangangahulugan lamang na epektibo ang patuloy na rehabilitasyon upang maging malinis at kaaya-ayang karagatan ang dalampasigan ng Isla Bonita. Ang pagdating ng mga ibon ay senyales na nais nilang gawing pamayanan ang nasabing lugar.



Kasabay nito ang mayamang ani ng iba’t ibang uri ng isda dahil namumukod-tanging ang bayan lamang ng Rosario sa probinsya ng Cavite ang nagtatanim at nangangalaga ng Artificial Coral Reef.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 3,150 Artificial Coral Reef ang naitanim sa karagatan ng Isla Bonita.
Magugunitang noong Nob. 3, 2007 kasabay ng kaarawan ng “Alamat” Mayor Nonong Ricafrente ay sinimulang itong taniman ng Articifial Coral Reef.
Samantala, mariing ipinangako ni Mayor Voltaire V. Ricafrente na muli niyang ibabalik ang ganda at kaaya-ayang pustura ng Isla Bonita na una nang naumpisahan ng kanyang ama. (Ni Sid Luna Samaniego)