
EKONOMIYA BUBUKSAN PA AYON KAY PANGULONG DUTERTE

DAHIL SA KAWALAN ng trabaho at hanapbuhay ng mga Pinoy sa bansa dulot ng pandemya.
PINAG-AARALAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na pagbubukas ng ating ekonomiya.
Sa isang panayam kay Presidential Spokesman Harry Roque, sobrang nag-aalala na ang Pangulo sa kahihinatnan ng patuloy na mahigpit na galaw ng publiko na sanhi ng economic recession at ang patuloy na pagharap sa pagsadsad ng ekonomiya ng ating bansa nitong mga nakaraang buwan.
Ito rin ang dahilan kung bakit nais pang magbukas ni Pangulong Durterte ng ekonomiya upang hindi na lumobo pa ang kahirapan at mas marami ang maaring magugutom na maliliit na pamilya.
“So, the President is already bothered that there is really a need to recover in the soonest possible time because it’s very clear that there could be many (Filipinos) now who are getting hungry or could die of hunger than COVID,” ayon kay Roque.
Aniya, nag-usap na ang Pangulo at si Finance Secretary Carlos Dominguez III hinggil sa lagay ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahan na mas maraming mga negosyo at establisimiyento pa ang maaring magbukas ng paunti-unti at muli nang makakabalik ng trabaho ang mga kapatid nating matagal ng humaharap sa matinding dagok ng kani-kanilang buhay. (RBM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
2 Pinoy kumpirmadong Patay sa lindol sa Turkey
Dalawang Pinoy ang kumpirmadong patay dulot ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye, ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary...
3 Pinoy nawawala matapos ang lindol sa Turkey
TATLONG Pinoy ang napabalitang nawawala matapos yumanig ang magnitude 7.8 na lindol kung saan ay libu-libo na ang nasawi at...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...