
Mga Sinehan bubuksan na; 50% dagdag kapasidad sa mga Simbahan oks na

PINAPAYAGAN na ang mga sinehan na buksan muli sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), ayon sa Malakanyang nitong Biyernes.
Simula Pebrero 15, ang mga simbahan at lugar ng pagsamba sa mga lugar na sakop ng GCQ ay maaaring tumanggap ng hanggang 50% na kapasidad mula sa 30% ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force laban COVID- 19.
Sinabi rin ng IATF na dapat makipag-ugnayan sa inyong LGU para sa higit pang mga detalye.
Inilista ni Roque ang mga sinehan na kabilang sa mga negosyo na papayagan ng buksan o lalong mapalawak.
Ang muling pagbubukas ng sinehan ay sasailalim sa pagpapatupad ng mga alituntunin mula sa mga lokal na pamahalaan at mga kaugnay na ahensya ng pagkontrol, aniya.
Sa kasalukuyan, ang mga operator ng sinehan ay gumagamit ng mga malikhaing paraan upang maipalabas ang mga pelikula sa mga tahanan o movie house at mula sa open-air drive thrus to indoor canals with gondolas.
Inaprubahan din ng IATF ang karagdagang pagbubukas ng mga sumusunod:
- Driving schools
- Libraries, archives, museums, and cultural centers.
- Meetings, incentives, conferences and exhibitions, and limited social events at credited establishments of the Department of Tourism
- Limited tourist attractions, such as parks, theme parks, natural sites and historical landmarks.
“These businesses/industries shall comply with the strict observance of minimum public health standards set by the Department of Health,” pahayag ni Harry Roque. (RBM)