
Umakyat na sa 547,255 kabuong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Sabado, Pebrero 13

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 1,960. Umabot na sa kabuong bilang na 547,255 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!133 ang nadagdag na mga bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw. Kaya naman umabot na sa 500,587 (91.5%) kabuoang gumaling.
Nakapagtala naman ngayong araw ng mga bagong namatay sa virus na may bilang na 12. Kaya naman umakyat na sa kabuoang bilang na 11,507 (2.10%) na kabuoang bilang ng mga namatay sa COVID-19.
Samantala, tumaas ng bahagya ang bilang ng mga aktibong kaso na may 34,967 (6.4%), kumpara kahapon sa bilang na 31,151 (6.1%).
Patuloy ang pagbibigay paalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na mag-ingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban sa naturang virus na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin official Facebook page ng DOH na nasa ibaba;
https://web.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/4141464925864728