Makaraang mapaulat ang ilang variants ng COVID-19 na nagsusulputan sa iba’t ibang panig ng mundo.

TINUTUTUKAN ngayon ng pharmaceutical firm na AstraZeneca ang paglikha ng bakuna na magiging mabisang proteksyon laban sa lahat ng bagong variant ng COVID-19.
Ang naturang bagong tatlong variant ng COVID-19 na nadiskubre ay ang; B117 sa United Kingdom; ang B1351 sa South Africa; at ang P1 sa Japan na pinakatututukan ng mga health experts ngayon.
Ayon sa pamunuan ng BioPharmaceuticals R&D ng AstraZeneca, posibleng tumagal ng anim hanggang siyam na buwan bago makapaglabas ng bakuna para sa lahat ng variants.
Tiniyak naman ng naturang kumpanya na ang kasalukuyang bakuna nila ay nananatiling epektibo sa orihinal na variant at maging sa UK variant ng COVID-19.
Samantala, nabalita na ilang COVID vaccine ang halos hindi tumatalab sa South Africa variant sa mga ginawang trials. *
You must be logged in to post a comment.