KAHIT TAYO’Y MATANDA NA

Isa lamang ang magpartner na ito ang ikinasal sa Kasalang Bayan sa Dalampasigan na ginanap ngayong araw, Pebrero 14, 2021 sa Isla Bonita, Rosario Cavite na sina Lucytona Aucn Handayan, 65 taong gulang, tubong Surigao del Norte at Nilo Demdam Escota, 54 taong gulang, tubong Gubat Sorsogon, pawang naninirahan ngayon sa Sitio Banal, Brgy. Tejeros Convention, Rosario Cavite.

Nagkakilala ang dalawa nang magtrabaho sa Manila si Nilo. Matandang binata si Nilo samantalang balo naman si Lucytonia.

Sa seremonya ng kasal na pinagtibay ni Mayor Voltaire V. Ricafrente ay napaluha ang dalawa ng mag-iwan ng mensahe ang bawat isa.

“Matagal ko ng pangarap ang maikasal tayo, sa wakas natupad din”, madamdaming wika ni Lucytonia.

“Kahit tayo’y matanda na, ipinapangako ko sa’yo na habang buhay kitang mamahalin at aalagaan. Tandaan mo, mahal na mahal kita.”, wika ni Nilo.

Si Nilo at Lucytonia ang naitalang pinakamatandang ikinasal sa Kasalang Bayan sa Dalampasigan sa taong ito na binubuo ng 200 pares.

Taong 2007 nang umpisahan ng lokal na pamahalaan ng Rosario ang Kasalang-Bayan sa Dalampasigan. Masarap na Cake at romantikong bulaklak ang ibinigay ng pamahalaang lokal sa lahat ng ikinasal. (Ni Sid Luna Samaniego)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.