Umakyat na sa 549,176 kabuoang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Pebrero 14

0 0
Read Time:58 Second

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 1,928. Umabot na sa kabuong bilang na 549,176 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

10,967 ang nadagdag na mga bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw. Ito na ang pinaka mataas na bilang ng mga naitalang bagong gumaling dahil na rin sa pagka-antala ng mga datos mula sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa. Kaya naman umabot na sa 511,743 (93.2%) kabuoang gumaling.

Nakapagtala naman ngayong araw ng mga bagong namatay sa virus na may bilang na 8. Kaya naman umakyat na sa kabuoang bilang na 11,515 (2.10%) na kabuoang bilang ng mga namatay sa virus.

Samantala, bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso na may 25,918 (4.7%), kumpara kahapon na may bilang na 34,967 (6.4%),.

Patuloy ang pagbibigay paalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na mag-ingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban sa naturang virus na ito. (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: