
MANILA, Philippines — PINAALALAHANAN ang mga residenteng naninirahan malapit sa Kanlaon volcano sa Negros Occidental dahil may posibilidad na magkaroon ng phreatic o steam-driven eruptions.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala sila ng 28 volcanic earthquakes sa pagitan ng Pebrero 11 at 13.
Nasa 1,130 tons na sulfur dioxide emission ang inilabas ng bulkang Kanloan nitong Sabado, ayon sa Phivolcs.
Nakitaan ang bulkang Kanlaon ng deformation at slight inflation sa bahaging baba at gitna ng naturang bulkan nitong nakaraang Hunyo 2020.
Aniya, sa datos na kanilang nakalap, nakiataan ang bulkan ng slow pressurization activity sa loob mismo nito.
“These parameters could indicate hydrothermal, tectonic or even deep-seated magmatic processes beneath the edifice,” saad ng Phivolcs sa kanilang advisory nitong Sabado ng gabi.
“The observational parameters signify that Kanlaon is in a restive state, with increased possibilities of phreatic or steam-driven explosions occurring at the summit crater,” dagdag pa ng ahensya.
Binalaan ng Phivolcs ang publiko na iwasan munang magtungo sa naturang bulkan na may apat-kilometrong layo para makaiwas sa nagbabadyang pagsabog nito na maaring mangyari.
Samantala, pinasinayangan naman ng state seismologists ang kanilang one-stop shop geographic information system platform for hazard assessment service.
Ang HazardHunterPH app, na maaring i-download para ng mga Android phone users sa Google Play Store.
Ang nasabing app ay para humikayat ng awareness sa bawat tao partikular sa natural hazards sa pag-implementa ng mga plano at maging handa ang lahat sa banta ng mga kalamidad gaya ng nangyaring pagsabog ng bulkang taal noong nakaraang taon. (RBM)
You must be logged in to post a comment.