MAYOR VICO SOTTO NAGBABALA SA PUBLIKO SA PAGBILI NG PEKENG COVID-19 VACCINES ONLINE

Read Time:39 Second
image: Manila Bulletin

NAGLABAS ng saloobin si Pasig City Mayor Vico Sotto patungkol sa diumano’y pekeng COVID-19 vaccine na ibinibenta sa online.

Sa ipinoste nito sa kanyang official Twitter account, naglabas ng screenshot ang Alkalde ng isang online seller na nagbebenta ng 50 vials ng pekeng Pfizer COVID-19 vaccines sa halagang P60,000.

“Beware!! Wag bumili sa mga ganito! Picture pa lang kita nang mali ang handling. Maglolokohan lang kayo niyan,” pahayag ni Mayor Vico Sotto sa kanyang twitter account.

“Dapat dumaan sa nasyonal na pamahalaan ang pagbili ng kahit anong bakuna. For our safety,” dagdag pa ng Alkalde.

Pinaalalahanan din ni Sotto ang publiko na ang mga healthcare workers ang unang mababakunahan kapag dumating na ang unang batch ng vaccines sa bansa. (RBM)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Rep. Dinand Hernandez turned-over 17 projects amounting to P106-M last month in South Cotabato province
Next post SEC-DEO to public: Watch out for scammers using games, franchise programs to solicit investments
%d bloggers like this: