Tricycle driver sa Koronadal City pinuri ng isang netizen dahil sa kanyang kabaitan

Read Time:1 Minute, 26 Second

KORONADAL CITY, Philippines –– Pinuri ng isang “netizen” ang isang tricycle driver sa siyudad na ito dahil sa kanyang kabaitan.

Ayon sa netizen na si Ellexstel Viblet Gem Alinsugay, kahapon, habang sakay sila ng isang traysikel pauwi, nakakita ito ng mamahaling cellphone sa daan.

“Pakadto kmi sa San Antonio ph 4 sng pag agi nmon sa jolibee odi nga nakakita ko sng phone sa dalan (Translation: Papunta kami sa San Antonio Phase 4 at pagdaan naming sa Jolibee sa Odi Street, nakita ko ang isang cellphone sa daan),” sabi ni Alinsugay sa kanyang pinosteng mensahe sa kanyang Facebook account.

Pinatigil nito ang drayber at pinulot ang cellphone sa daan. Sinabihan nito ang kasama niya na si “Baby Girl” na posibleng tumawag ang may-ari ng cellphone.

Ayon kay Alinsugay, hindi maganda mag-interest ng gamit na hindi sa kanya at yan ay turo sa kanila ng kanyang magulang.

“Sa may arellano kmi unhan sng socomedics ngtwag ang tag iya. Hambalan ko c kuya driver kng pwd hulaton ang tag iya ka cp (Translation: Sa may Arellano Street na kami unahan ng Socomedics ng tumawag ang may-ari),” sabi ni Alinsugay.

Sinabihan nito ang traysikel drayber na huminto muna dahil tumawag ang may-ari ng cellphone. Huminto ang drayber at hinintay nila ang may-ari ng phone na dumating.

Ayon kay Alinsugay, kahit mahigit 20 minutes silang naghintay, hindi nagreklamo ang traysikel drayber.

“Wla gd ko kabati ngkumod xa. Salute to Kay kuya driver nga mabuot (Translation: Wala ako narinig na nagreklamo ang drayber. Saluto ako sayo kuyang drayber sa kabaitan mo),” sabi ni Alinsugay.

Ang nasabing poste ni Alinsugay ay pinoste rin ng FB account na Koronadal Hope. (RASHID RH. BAJO/Phoro credit to Koronadal HOPE)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Taal Volcano nag-aalburoto, mga residente sapilitang pinalilikas ngayon
Next post Umakyat na sa 552,246 na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Martes, Pebrero 16
%d bloggers like this: