Umakyat na sa 552,246 na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Martes, Pebrero 16

Read Time:52 Second
image: DM Digital News

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 1,391. Umabot na sa kabuong bilang na 552,246 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Apat na pu’t lima (45) ang nadagdag na mga bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw. Kaya naman umabot na sa 511,796 (92.7%) kabuoang gumaling.

Nakapagtala naman ngayong araw ng mga bagong namatay sa virus na may bilang na 7. Kaya naman umakyat na sa kabuoang bilang na 11,524 (2.09%) na kabuoang bilang ng mga namatay sa virus.

Samantala, umakyat ang bilang ng mga aktibong kaso na may 28,956 (5.2%) kumpara kahapon may bilang na 27,588 (5.0%).

Patuloy ang pagbibigay paalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na mag-ingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban sa naturang virus na ito. (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Tricycle driver sa Koronadal City pinuri ng isang netizen dahil sa kanyang kabaitan
Next post New district jail warden in Sultan Kudarat province pays courtesy visit to DPWH official
%d bloggers like this: