
HIGIT 180k Health workers, 1.4M Senior Citizens ang kabilang sa listahan ng mga mababakunahan kontra COVID-19 ayon sa DOH

MAHIGIT 180,000 health workers at 1.4 milyon senior citizens, indigents at ang mga uniformed personnel ang kabilang sa master list ng gobyerno para sa pagbabakuna kontra COVID-19, sinabi ito ng isang Health official ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga sumusunod ay nasa Vaccine Information Management System ng Department of Information and Communications Technology mula pa ng Pebrero 16:
* 186,562 Healthcare workers
* mahigit 1.4 milyon senior citizens
* 3 milyon indigents
* 164,000 naman ang mga uniformed personnel
“Most of these healthcare workers would comprise those from the eligible hospitals na isasama natin as pauna nating pagbabakuna with Pfizer vaccines,” saad ni Vergeire sa kanyang daily COVID-19 briefing.
Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na mayroong 34 hospitals sa Metro Manila, Cebu at Davao ang kabilang sa initial roll out ng mahigit 117,000 doses mula sa Pfizer-BioNTech.
Samantala, pahayag ng Malacañang na wala pang definitive delivery date para sa unang batch ng pagbabakuna. (RBM)