
Bagong tahanan ni “The Beast”, sa hotshots na!

May bagong tahanan na si Calvin “The Beast” Abueva sa PBA 46th season.
Natagpuan ni Abueva ang kanyang bagong tahanan matapos magpasya ang pamunuan ng Phoenix Fuel Masters na i-trade ito sa Magnolia Hotshots.
Ikinagulat ito ng mga fans ng manlalaro kahapon sa naging trade ni Abueva kung saan magiging kapalit nito Chris Banchero at ang dalawang draft picks ng Hotshots – sixth overall pick (first round) at 18th pick (second round).
Ang deal na ito ay inaprubahan ng PBA trade committee. Ito na ang pinaka deepest in the history ng PBA.
Nagbigay pasasalamat naman ang pamunuan ng Fuel Masters kay Abueva na isa sa pinakamainit na manlalaro nito partikular sa nakalipas na season.
“It was not an easy decision to let go of a player like Calvin, considering he has been through thick and thin with Phoenix,” pahayag ng Fuel Masters.
“We thank Calvin for everything he has done for us, and we wish him all the best in his new journey,” ayon sa statement ng Fuel Masters.
Samantala, excited na rin ang Fuel Masters sa pagpasok ni Banchero sa kanilang koponan kasama ang dalawang rookies na makukuha sa draft.
“Yet at the same time, we are excited to acquire a first-round pick from a very deep draft, and together with Chris Banchero, who is a superstar in his own right, the team has a great opportunity to grow in the years to come.” saad pa ng Fuel Masters. (RBM)