
Galvez, humingi ng paumanhin sa pagkaantala ng bakuna sa bansa

HUMINGI ng paumanhin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos Jr. Dahil sa mabagal na pagdating ng vaccines laban COVID-19 ngayong Biyernes.
Sila Galvez at Abalos ay nag-iinspect sa kahandaan ng Pateros para sa nalalabing bakuna.
Ayon sa ulat, hindi sigurado si Galvez sa pagdating ng first batch ng bakuna, ngunit ito ay inaasahan na darating ng second week ngayong buwan.
Ang first batch ng bakuna ay magmumula sa Pfizer at ang ibang bahagi nito sa World Health Organization (WHO) – led COVAX facility.
Sinabi ni Galvez na magkakaroon ng pagkaantala ng isang linggo sa paghahatid ng COVAX vaccine sa bansa dahil sa kawalan ng indemnification law sa bansa.
Samantala, sinabi naman ng WHO na makakapaghatid sila ng 117,000 doses ng COVID-19 vaccine sa ilalim ng COVAX facility, mangayayari ito sa loob ng dalawang linggo kung sakaling lagdaan ang magiging kasunduan ng Pilipinas at ng Pfizer-BioNTech. (DM)