Photo News

Mayor sa probinsya ng Sultan Kudarat namigay ng 20 mini–dump truck sa lahat ng mga kapitan

SENATOR NINOY AQUINO (SNA), Sultan Kudarat –– Abot–langit ang tuwa ng mga kapitanes ng bayan na ito ng personal na ibigay sa kanila ni Mayor Randy Ecija, Jr., kasama ang ilang mga opisyal ng probinsya ng Sultan Kudarat sa pangunguna ni Governor Suharto “TENG” Mangudadatu, PhD, ang dalawampu (20) na mini–dump trucks.

Para sa mga kapitanes ng 20 barangays ng SNA, ang pagbibigay ng mini–dump truck sa bawat isa sa kanila ay ang pinakamagandang–regalo na kanilang natanggap ngayong–taon mula sa munisipyo nila.

Itinaon ni Mayor Ecija ang pamimigay ng nasabing mga dumpt truck sa 32nd fiesta celebration ng kanilang bayan noong Miyerkules (Feb. 17), kung saan ito ay simple lamang nila na idinaos dahil sa patuloy na banta ng sakit na “COVID–19.”

Ayon kay Mayor Ecija, ang pagbibigay ng mga mini–dump truck sa lahat ng mga barangay ng SNA ay bahagi ng kanyang pangako na bibigyan nito ng atensyon ang problema sa mga daan nila.

Naniniwala si Mayor Ecija na malaki ang maitutulong ng nasabing mga dump truck sa pagpapanatili at pag–aayos sa mga barangay road ng kanilang bayan.

Isinabay rin sa pamamahagi ng mga mini–dump truck ang pagbigay ng isang rescue vehicle at tatlo (3) na ambulansya.

“Agi ray mosulti dili na puro sulti ray agi (Translation: Gawa ang magsasabi hindi na puro lang nganga ang gawa),” sabi ni Mayor Ecija.

Kilala si Mayor Ecija na kauna–unahang alkalde na nahalal sa bayan ng SNA nakapaglatag ng maraming mga pagbabago, tulad ng pagsesemento ng mga daan, pagpapatayo ng mga imprastraktora na makapagbigay ng mga benepisyo sa mga tao at pagpapatupad ng mga programa na nakapagbigay–benepisyo sa lahat na mga sektor sa kanyang bayan, lalo na sa mga mahihirap, senior citizen at mga miyembro ng katutubong–tribo doon.   

Tuwang–tuwa namang nagbigay ng kanyang mensahe si Governor Mangudadatu para sa mga mamamayan ng SNA. Ang pagdalo at pagbigay ng mensahe nito ay lubos na ikinagalak ng mga tao at lahat na mga lingkod–bayan doon.

Ang isa sa mga kasama ni Governor Mangudadatu na pumunta sa SNA ay si Kapitan Jose Beng Lim V ng Barangay Poblacion ng Tacurong City. Si Governor Mangudadatu at Kapitan Lim ay magkasama sa grupo na “Ride for Unity and Peace.”

Bumilib naman si Kapitan Lim sa maayos at magandang pamamahala ni Mayor Ecija. Pinuri rin nito ang mga pagbabago na inilatag ng nasabing alkalde sa bayan ng SNA. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to LEN NOR)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.