NDRRMC: Bagyong Auring, inaasahang mas magiging malakas pa

Read Time:1 Minute, 51 Second

INABISUHAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na mas maging maingat sa banta at epekto ng bagyong Auring na may international name na Dujuan, na inaasahang magiging mas malakas pa ito kumpara sa mga nagdaang pag-uulat ngayon Sabado, Pebrero 20.

“Maaaring mas malala pa… Maaring mas malakas ang kanyang idudulot. Nakita natin ‘yan sa mga bagyong nagdaan, mas malakas,” pahayag ni NDRRMC Executive Director and Undersecretary Ricardo Jalad sa isang interbyu sa radyo.

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa 25 areas ng Visayas at Mindanao ngayong Sabado. Inaasahan na ang bagyong Auring ay magdadala ng moderate to heavy rains ngayong Sabado ng tanghali hanggang Linggo ng umaga.

Ang mga lugar na maapektuhan ng bagyo ay sakop ng Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Bukidnon, Misamis Oriental, at Southern Leyte ngayong Sabado ng tanghali.

Inaasahan naman na mas magiging heavy o intense ang bagyo ngayong tanghali hanggang bukas ng Linggo ng umaga ay ang mga lugar ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands. Moderate to heavy naman sa Misamis Oriental, Camiguin at ilang bahagi ng Caraga. Light to moderate naman sa bahagi ng Eastern Visayas, Central Visayas, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte at ilang bahagi ng Northern Mindanao.

Mula linggo ng umaga hanggang sa darating na Lunes, moderate to heavy naman sa Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohil, Surigao del Norte, at Dinagat Islands. Light to moderate naman sa Bicol region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, southern portion ng Quezon, Davao Oriental, Davao de Oro, at ilang bahagi ng Visayas at Caraga.

Nagpaalala rin ang bureau sa posibleng malawakang pagbaha at landslides sa mga lugar na madadaanan ng bagyo.

“Maari ‘yang forecast na ‘yan kapag ikumpara sa actual na ibibigay ni Auring ay magkaiba. Kailangang patuloy na i-assess,” saad ni Jalad.

Aniya, inaasahan na mag-landfall ang bagyong Auring sa silangang bahagi ng Caraga region ngayong Linggo ng umaga o hapon.

“Naka-preposition ‘yung ating mga relief goods, even ‘yung ating mga standby funds sa regional offices ng DSWD, ganun din ang Office of Civil Defense, nakakalat naman ang ating mga funds,” dagdag pa ng kalihim. (RBM)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Galvez, humingi ng paumanhin sa pagkaantala ng bakuna sa bansa
Next post Pagsibol at Pagbangon: Unang Taong Anibersaryo ng online na pahayagan, Diyaryo Milenyo

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: