Pagsibol at Pagbangon: Unang Taong Anibersaryo ng online na pahayagan, Diyaryo Milenyo

[Ni Rex B. Molines]

Maligayang araw, KaMilenyo!

Isang taon na tayo, KaMilenyo! Bago ang lahat nais naming magpasalamat sa inyong walang patid na pagsuporta at pagsubaybay sa aming online na pahayagan.

Paano nga ba nagsimula ang pagsibol ng DIYARYO MILENYO sa online na pamamahayag?

Ang Diyaryo Milenyo ay isang independent news media outfit na inilalathala sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya gamit ang digital platforms; Social Media (Facebook, Instagram, Twitter, LinkedIn) and website. Inilalathala ng DM ang mga huling kaganapan sa iba’t ibang komunidad, mga usaping pangbayan at hindi pamumolitika. Good news, good vibes and trending stories ang aming ibinabahagi.

Ang Diyaryo Milenyo ay isang grupo ng mga volunteer community writers and journalists na nais magbahagi ng kanilang mga artikulo na kapupulutan ng magagandang aral at hinuha, mga balitang napapanahon at serbisyong pang komunidad, higit sa lahat, hindi mabigat dalhin para sa aming mga readers online.

Pebrero 03, 2019 nagsimulang magkaroon ng Facebook page ang Diyaryo Milenyo na may slogan na, Boses ng Makabagong Kabataan.” Bagama’t bihira lamang ang aming paglabas ng mga balita patungkol sa natatanging husay ng mga kabataan ay kinailangan na pansamantalang huminto sa pag-ere ang DM dahil maraming dapat ikonsidera.

Advertisement

Nito lamang nakaraang taon, ang pamunuan ng DIYARYO MILENYO ay binigyang bihis ang pagbabalita sa pamamagitan ng paghahatid ng mga “Balita pang Komunidad, Serbisyo at Pagbabago” gamit ang digital platforms o ang online na pamamahayag . Mula sa NCR nakilala ang DM sa Visayas hanggang Mindanao kung saan ay pinangangasiwaan ni Mr. Ramil Bajo ang DM Mindanao desk. At umabot pa kami sa Hong Kong at sa iba pang bansa.

Mula nang pumutok ang Taal volcano at magsimula ang pandemya sa buong mundo at sa ating bansa, lalo pang umarangkada ang DIYARYO MILENYO sa pagkalap ng mga balita at pagtugon sa mga kaganapan noong nakaraang taon sa unang bugso ng delubyo sa ating buhay.

Kaya naman, opisyal nang itinakda ang pagsibol at pagkilala sa DIYARYO MILENYO noong Pebrero 22, 2020 para sa mas malawak na pagbabalita sa bawat liblib na komunidad na hindi nabibigyang pansin. Marami ang nagbahagi ng kani-kanilang istorya at mga tulong sa ating kapwa na kanilang ipinamalas kung saan ay naging saksi ang DIYARYO MILENYO sa mga hinanaing ng ating maliliit na mga kababayan sa iba’t ibang komunidad at mga probinsya sa bansa.

Isang napakalaking oportunidad ito sa aming online na pahayagan na makilala at kilalanin ang aming pagtugon sa pagkalap ng mga kwentong nagbibigay inspirasyon para sa lahat. Mga proyektong sinasagawa ng bawat Local Government Units (LGU’s) sa bansa, mga pagtugong pang barangay at marami pang iba.

Sa unang taon ng aming pagsibol at pagbangon, pagsusumikapan pa namin na mas mapalakas at mapalawak pa ang aming pag-uulat sa online world at mapanatiling matatag ang aming pundasyon at ang misyong makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng matapat, patas, balanse at kapaki-pakinabang na pamamahayag para sa ating mga maliliit na kababayan saan man sa bansa. Kaya naman, Happy 1st birthday sa ating DIYARYO MILENYO! Mabuhay tayo, KaMilenyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.