
PH sasabak sa Asian Games 2022

SASABAK ang Pilipinas sa 46 sa 61 sports para sa 2022 Asian Games na nakatakda sa Setyembre 10 at 25 sa susunod na taon sa Hangzhou, China.
Isinumite na ng POC ang listahan sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee noong nakaraang Biyernes, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Sasabak ang mga Pinoy Athlete sa aquatics, archery, athletics, baseball, softball, boxing, canoe-kayak at cycling MTB at BMX.
Kasama rin sa listahan ng Team Philippines ang dance sports’s breaking, men’s dragon boat, equestrian, fencing, men’s football, golf, artistic and rhtyhmic gymnastics, judo, jiu-jitsu, kurash, karate, bridge, chess, esports, xiangqi, modern pentathlon, skateboarding, rowing at men’s rugby.
Iba pang palaro ay ang dailing, sepaktakraw, shooting, squash, tennis, sports climbing, taekwondo, triathlon, men’s and women’s volleyball, beach volleyball for men and women, weightlifting, wrestling at wushu.
Aniya, panahon na para itaas ng mga Pinoy athlete ang antas ng kanilang performance sa Asian Games matapos ang two-time domination ng bansa sa Southeast Asian Games. (DM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
