
Umakyat na sa 566,420 kabuoang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Miyerkules, Pebrero 24

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 1,577. Umabot na sa kabuong bilang na 566,420 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
392 ang nadagdag na mga bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw. Kaya naman umabot na sa 523,321 (92.4%) kabuoang gumaling.
22 ang nadagdag sa mga bagong namatay sa virus ngayong araw. Umakyat na sa kabuoang bilang na 12,129 (2.14%) kabuoang bilang ng mga namatay sa COVID-19.
Samantala, umakyat sa 30,970 (5.5%) ang bilang ng mga aktibong kaso sa Pilipinas kumpara kahapon.
Patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na maging maingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ng mga bagong variant ng nakamamatay na virus. (DM)