MAJOR ROLL-OUT NG COVID-19 VACCINE SA PINAS, POSIBLE SA THIRD AND FOURTH QUARTER NGAYONG TAON

image: pia.gov.ph

NAGPAHAYAG si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Miyekules ng gabi na maisasagawa ang major roll-out ng vaccine kontra COVID-19 sa darating na third at fourth quarter ngayong taon.

“Ang main volume po ng ating mga procurement atsaka ‘yung sa COVAX ay darating po ng third quarter atsaka fourth quarter,” saad ni Galvez.

“So ‘yung ating planning po sa ating vaccination, ang major rollout po talaga natin will be coming from the third quarter and fourth quarter,” dagdag ng kalihim.

Aniya, patuloy ang kanilang pakikipag negosasyon sa mga malalaking manufacturers para sa mas maagang paghatid ng mga bakuna sa Pilipinas.

“Nag ne-negotiate din po tayo kahit mapamahal ng kaonti, basta ma-early delivery lang po sila ng second quarter atsaka po nung first quarter. Ayun po ‘yung ginagawa nating technique, ino-offset po natin price. Dadagdag po natin ‘yung prices para mapaaga po,” aniya ng kalihim.

Sinabi pa ni Galvez na makatatanggap ang Pilipinas ng 161 million doses bago matapos ang taong 2021. Ayon pa sa kalihim na ang 17 million doses ng bakuna na diniveloped ng AstraZeneca ay secured na sa pamamagitan ng tripartite agreement ng private sector at ng local government.

Aniya, mayroong tatlong kasunduan na pina-polished ang mga tuntunin ng pagpapatupad at mga tuntunin ng paghahatid.

Sa mga nakaraang pag-uulat patungkol sa vaccines na darating sa bansa na nagkaroon ng pagkaantala ay dahil sa kakulangan ng pagpapatupad ng batas o lack of an indemnification fund law sa bansa. Katunayan, wala pang naihahatid na bakuna kontra COVID-19 sa bansa. (Ni Rex B. Molines)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.