
Metro Manila, Philippines — GOOD NEWS! Ibinahagi ni President & CEO of San Miguel Corp. Ramon Ang, ang nagpapatuloy na magandang progreso na sinasagawang MRT-7 project sa kabila ng pandemya sa bansa.
Aniya, halos nasa kalahati na sila ng konstraksyon at inaasahang maihahatid ang first batch ng train mula sa South Korea Hyundai Rotem.
“We are looking to open this vital rail network in less than two years.” pahayag ni Ang sa kanyang ipinoste sa official facebook page nito.
Kasabay ng pagsasakatuparan ng Skyway 3 at iba pang ongoing and planned infrastructure projects, ang MRT-7 ay may malaking maitutulong na pagbabago para sa urban mobility. Ang nasabing proyekto na MRT-7 ay magdudugtong sa 14 stations nito mula San Jose Del Monte, Bulacan hanggang MRT-3 at LRT-1.
“By providing a seamless public transport system, we will significantly ease road traffic congestion, reduce commute times, and improve quality of life.” aniya ni Ang sa kanyang facebook post. #DM
You must be logged in to post a comment.