Sigalot sa pinakamadugong Prison Riot sa Ecuador

SUMIKLAB ang pinakamadugong prison riot sa Ecuador na kumitil ng maraming buhay ng mga inmate doon.
Sa nakuhang pag-uulat, hindi bababa sa 79 ang patay sa napakalaking gulong umusbong sa kasaysayan ng Ecuador.
Ayon sa mga otoridad, nagkasagupa ang mga gang sa mga bilangguan sa Guayaquil, Cuenca, at Latacunga dahil sa kagustuhan nilang maging lider sa prison system doon.
Dahil sa malaking sakop ng riot, lumusob na ang kapulisan at magkakasunod na tear gas ang kanilang pinakawalan.
Umusbong ang prison riot buhat ng mamatay ang Lider ng Los Choneros na itinuturing na pinakamakapangyarihang gang sa Ecuador kung kaya’t doon na sumiklab ang sigalot ng “Battle for Leadership.”
Maraming mga nag-aalaga at mga magulang ng mga preso ang sobrang nag-aalala sa kani-kanilang kaligtasan sa loob ng kulungan.
Aniya, wala pang balitang nakukuha mula sa mga preso na biktima ng madugong riot sa Ecuador. (Rex Molines)