
Umakyat na sa 571,327 kabuoang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Biyernes, Pebrero 27

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 2,651. Umabot na sa kabuong bilang na 571,327 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
561 ang nadagdag na mga bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw. Kaya naman umabot na sa 524,582 (91.8%) kabuoang gumaling.
46 ang nadagdag sa mga bagong namatay sa virus ngayong araw. Umakyat na sa kabuoang bilang na 12,247 (2.14%) kabuoang bilang ng mga namatay sa COVID-19.
Samantala, umakyat sa 34,498 (6.0%) ang bilang ng mga aktibong kaso sa Pilipinas kumpara kahapon.
Patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na maging maingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ng mga bagong variant ng nakamamatay na virus. (DM)