
China, magbibigay ng vaccine sa Pinas ngayong Linggo ayon sa Embahada ng Tsina

SINABI ng Ambassador ng Tsina sa Pilipinas na magbibigay ang bansang Tsina ng vaccines para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan nito. Patunay lamang na ito ay simbulo ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Darating ang naturang bakuna na may 600,000 doses na Sinovac-made vaccine CoronaVac na ido-donate ng China sa Pilipinas ngayong Linggo, Pebrero 28, matapos itong ianunsyo ng Chinese embassy nitong Huwebes lamang.
“A friend in need is a friend indeed. The donation of vaccines is another testament to the solidarity as well as profound friendship and partnership between our two peoples and two countries,” pahayag ni Huang Xilian, ambassador ng China sa Pilipinas na ipinoste sa kanyang Facebook account.
“I want to thank all those who have worked so hard in order to make this happen! I hope the vaccines will help kick off Philippines’ mass inoculation campaign to curb the pandemic and allow Filipinos’ life to return to normal at the earliest,” saad muli ni Huang.
Aniya, ang pagiging magkaibigan ng dalawang bansa ay mas lalalim pa para harapin ng sabay ang hamon ng pandemya sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikipag-ugnayan sa bawat isa.
Samantala, inaprubahan na ng Pilipinas ang emergency use ng Sinovac vaccine. (RBM)