
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na may bilang 2,921. Umabot na sa kabuong bilang na 574,247 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
293 ang nadagdag na mga bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw. Kaya naman umabot na sa 524,865 (91.4%) kabuoang gumaling.
42 ang nadagdag sa mga bagong namatay sa virus ngayong araw. Umakyat na sa kabuoang bilang na 12,289 (2.14%) kabuoang bilang ng mga namatay sa COVID-19.
Samantala, umakyat sa 37,093 (6.5%) ang ng mhga aktibong ksao ng COVID-19 sa Pilipinas kumpara kahapon na may bilang 34,498 (6.0%).
Patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Tasks Force (IATF) na maging maingat at panatilihing ligtas ang sarili sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ng mga bagong variant ng nakamamatay na virus. (DM)
You must be logged in to post a comment.