Cuatro, nasungkit ang titulo bilang bagong IBF minimum weight champion

Read Time:52 Second

TINANGHAL bilang bagong International Boxing Federation (IBF) minimum weight champion si Rene Mark Cuatro matapos nitong talunin ang nakasagupa na si Pedro Taduran via unanimous decision nitong Sabado sa Bula Gym sa General Santos City.

Natapos ang pagtatala ng mga hurado sa scorecards na 115-113 pabor kay Cuatro.

Sa pagtatala nag-improved si Cuatro sa 19-2-2 (11 Kos).

Si Cuatro ay nagmula sa Zamboanga Del Norte, na nakuha ang kanyang pinaka mahusay na sandali ng maasintado niya si Taduran gamit ang kaliwang kamao nito sa ika- fifth round.

Sa pagkatalo ni Taduran, nakapagtala ng 14-3-1 (11KOs). Si Taduran ay ang pride ng Libon, Albay at ang kanyang huling panalo nitong nakaraang Pebrero 2020 na kanyang nakalaban si Daniel Valladres via major draw.

Ang laban na Taduran-Cuatro ay pangalawang titulo ng Filipino clash sa loob lamang ng isang linggo matapos manalo ni Vic Saludar via split decision laban kay Robert Paradeo na masungkit ang World Boxing Association (WBA) minimum weight title sa Laguna nitong Pebrero 20. (RBM)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Would You Like A Little Caffeine With Your Workout?
Next post Magkapatid na iniwanan ng van at naglakad ng 3 araw mula Rosario Cavite hanggang Sto. Tomas Batangas, tinulungan ng isang grupo ng food Riders
%d bloggers like this: