Community News

Magkapatid na iniwanan ng van at naglakad ng 3 araw mula Rosario Cavite hanggang Sto. Tomas Batangas, tinulungan ng isang grupo ng food Riders

Image: Facebook post from Junjie Ko Bai

TATLONG araw na naglakad ang magkapatid na Marvin at Vincent Delos Santos mula Rosario Cavite hanggang Santo Tomas City Batangas na pawang tubong Nabua Camarines Sur.

Sa ipinoste ng isang concern food rider nitong Biyernes, Pebrero 26, bandang alas 7:45 pm ng gabi ay nadaanan ng kanilang grupo ang magkapatid sa isang food establishment sa Sto. Tomas Batangas habang na-pick up ang kanilang grupo ng mga order din na ihahatid sa mga customers nila.

Lumapit umano ang magkapatid sa kanila upang makitawag sa kanilang mga kamag-anak sa Bicol. Ngunit ang nag-iisang numero na meron sila [magkapatid] ay hindi matawagan. Dito na isinalaysay ng dalawang magkapatid ang kanilang sinapit matapos silang iwanan ng Van na kanilang sinasakyan mula Bicol papunta sa Cavite para magtrabaho bilang Construction Workers.

Aniya, pagdating nila sa Rosario Cavite tumigil panandalian ang van para makagamit ng comfort room ang mga sakay nito. Maging ang dalawang magkapatid ay nag-cr din at paglabas nila ng cr, kanilang nadatnan na wala na ang sinaaakyan nilang van.

Sinabi ng magkapatid na ang kanilang mga gamit o bag ay nasa loob ng van. Tanging naiwan lamang sa magkapatid ay ang kanilang suot na damit at ang kanilang pagkakakilanlan o ang Barangay ID na hawak nila. Dito na naisip ng magkapatid na sila ay maglakad na lamang pauwi ng Bicol na walang kasiguraduhan.

Dahil na rin sa tindi ng sinapit ng dalawang magkapatid, agad naman silang tinulungan ng mga mabubuting rider ng Food Panda. Binigyan ng makakain at kaunting pera para magamit nila sakaling magutom ang magkapatid.

Sa ngayon ay ginagawan na ng aksyon ang magkapatid na sila ay makauwi sa kanilang probinsya sa tulong na rin ng mga butihing Riders Club ng ROCI at ng Food Panda Riders.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa driver ng van upang mapanagot ito sa pag-iwan sa kaniyang mga pasaherong nakigamit lamang ng palikuran at hindi na naisipang i-check ang mga sakay nito. (Ni Rex Molines | Photos credit: Junjie Ko Bai)

Advertisement

0 comments on “Magkapatid na iniwanan ng van at naglakad ng 3 araw mula Rosario Cavite hanggang Sto. Tomas Batangas, tinulungan ng isang grupo ng food Riders

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: