
Marso para sa Kababaihan
Tema :Juana Laban sa Pandemya: Kaya!
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Mula Marso 1-31, 2021, tayo ay magbibigay pugay sa mga kababaihan. Maraming mga bansa ang nakikiisa sa pagdiriwang na ito. Ang tema sa taong 2021 ay naka-angkla sa malawakang pagtuon sa pandemya. Bilang mga ina, guro, manggagawang medikal at kung ano man ang kanilang gawain, ang mga kakabaihan ay humaharap sa mga mahigpit na pagsubok sa paglutas o maibsan ang mga problema sa kasalukuyan.
Juana o ang pangkalahatang tawag sa ating mga kababaihan para mabigyan diin ang mga nakahandang kaganapan sa buwan ng Marso. Sa pangngunguna ng Philippine Commission on Women, ang mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong organisasyon ay nagkapit bisig sa malawakang proyekto na ito.
Una, mga tulong medikal o libreng konsultasyun tulad ng FREE PAP SMEAR ay isinasagawa ng Ospital ng Sampalok sa lungsod ng Maynila.
Ang Pap Smear ay eksamen kung ligtas sa cervical cancer ang isang babae. Ang cervical cancer ay pumapangalawa na cause of death ng ating kababaihan.
Inilulunsad din ang mga talakayan sa social media tungkol sa mga paksa na mahalaga sa mga kababaihan.
Narito ang petsa at paksa na nakahanay sa buwan ng Marso.

Ni: Maria Suzette Defensor