PROVINCIAL

City Councilor Maylene Bascon–De Guzman tinupad ang pangako sa mga miyembro ng Indigenous People (IP) na nakatira sa mataas na bahagi ng bundok

KORONADAL CITY, Philippines –– Napatunayan ng mga miyembro ng Indigenous People (IP) na nakatira sa malayo at mataas na bahagi ng bundok sa siyudad na ito na ‘pag nangako si City Councilor Maylene Bascon–De Guzman talagang tinutupad nito.

Kahapon, araw ng linggo (Feb. 28, 2021), laking gulat ng mga miyembro ng IP sa Sitio Takilay ng Barangay Saravia ng siyudad na ito ng tumambad sa kanilang mga harapan ang pawisan at pagod na si “Konsehal Maylene,” kasama ang kanyang mister na si Mark De Guzman at isang guide nito na si Junior Dati, na may dalang “solar lights” at ilang piraso na mga bag ng semento.

Ayon sa report, inabot ng isang oras at kalahati ang nilakad nila Konsehal Maylene bago nila narating ang Sitio Takilay, kung saan sinasabing isa sa mga pinakamalayong komunidad ng mga IP sa nasabing barangay.

“Dumaan at naglakad kami sa mabatong mga daan, tumawid sa mga sapa at umakyat sa mga bundok bago kami nakarating sa Sitio Takilay. Talagang malayo siya,” sabi ni Konsehal Maylene sa interbyu sa kanya ng DIYARYO MILENYO.

“Pagod kami, uhaw at medyo nahihilo pero it’s worth the pain. Nakakataba ng puso na makita ang mga priceless na mga ngiti ng mga taga–Sitio Takilay. Talagang nasorpresa at tuwang–tuwa sila sa pagdating namin doon,” dagdag pa ni Konsehal Maylene.

Ayon kay Konsehal Maylene, nangako ito sa kanila na tutulong ito sa abot ng kanyang makakaya at ang nasabing pangako nito sa kanila ay kanyang tinupad.

Ayon kay Konsehal Maylene, “nakakaawa” ang sitwasyon ng mga tao sa Sitio Takilay. “Wala silang water system. Electricity at iba pa,” sabi ni Konsehal Maylene, kung saan naging emosyonal habang inilalarawan nito ang kaawa–awang kalagayan ng mga residente doon.

Masayang tinanggap ng mga IP ang dala ni Konsehal Maylene na mga “solar lights” at mga “cement bags.”

“Nagdala ako ng solar lights doon para mailawan ang ilang madilim na bahagi ng komunidad nila. Nagbigay din ako ng mga cement bags para sa itatayong simbahan nila doon. Ok lang kahit malayo basta nakakatulong tayo sa mga kababayan natin na nasa malayong mga bahagi ng siyudad,” sabi ni Konsehal Maylene.

Kilala si Maylene Bascon–De Guzman na isang konsehal ng siyudad na ito na pumupunta at nag–iikot sa mga komunidad upang maghatid ng tulong at para malaman kung ano ang kanilang mga kailangan. Sinasabi rin na madali itong lapitan at hingian ng tulong kahit anong oras at kahit anong araw.

Sabi ng ilang mga matatanda sa mga napuntahan nitong mga komunidad, si Konsehal Maylene ay isang bagong sibol na lider na marunong magpahalaga sa tinatawag na “pangako” at isang babae na may “pusong tumulong” sa abot ng makakaya nito.

“Basta kaya lang natin, talagang tutulong tayo,” sabi ni Konsehal Maylene. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Mark De Guzman)

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “City Councilor Maylene Bascon–De Guzman tinupad ang pangako sa mga miyembro ng Indigenous People (IP) na nakatira sa mataas na bahagi ng bundok

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: