San Juan City Mayor Francis Zamora, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa Coronavirus disease 2019 (COVDI-19) si San Juan City Mayor Francis Zamora matapos niyang ianunsyo sa kanyang ipinoste sa Facebook account nito kahapon.

“I have tested positive for COVID-19. I am asymptomatic and in good physical condition,” paglalahad ng Alkalde.

Naka-quarantine ngayon si Mayor Zamora sa Cardinal Santos Medical Center para maiwasan niya ang pagkalat ng virus sa kanyang makakasalamuha pa. At bilang proteksyon niya rin ito para sa kanyang pamilya at sa misis niyang cancer survivor.

Image: Posted thru Facebook account of San Juan City Mayor Francis Zamora

Kaniya ring hinihimok ang mga nakasalamuha nito na magpa COVID test upang makasiguro na hindi sila nahawa o kung saan niya rin nakuha ang virus.

Dagdag pa ng Alkalde na maaring maghanda ng libreng RT-PCR swab test ang lokal na pamahalaan ng San Juan City.

Samantala, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,037 karagdagang nagpositibo sa COVID-19 kahapon. Umabot na sa bilang na 578,281 kabuoang kaso ng mga nagpositibo sa nakamamatay na virus. (RBM)

Maraming Salamat sa iyong pagbisita sa aming official website, KaMilenyo!
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.