Sumali na sa Tula Táyo 2021

Read Time:1 Minute, 5 Second

Ang Tula Táyo ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan ng Filipinas. Para sa edisyong 2021, bukás ang timpalak sa mga dalít, diyona, at tanaga na nakasulat sa wikang Filipino pumapaksa sa kasalukuyang danas sa pandemya at tema ng Buwan ng Panitikan 2021.

Mga Tuntunin

1. Ipapaskil ang mga tula—diyona, dalít, o tanaga—sa seksiyon ng mga komento sa nakatalagang poster para sa bawat anyo ng tula. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:

1–5 Marso 2021 Dalít

8–14 Marso 2021 Diyona

15–21 Marso 2021 Tanaga

2. Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinaskil ito sa seksiyon ng komento ng partikular na poster para sa anyo na matatagpuan sa page ng Komisyon sa Wikang Filipino.

3. Tatanggap ng mga orihinal na tula na nakasulat sa wikang Filipino. Maaaring gawing tema ang kasalukuyang danas sa pandemya at ang tema ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas na “Limandaang Taon ng Pagsulat sa Kalibutang Filipino.”

4. Kikilalanin ang mga nagsipagwagi sa Araw ni Balagtas sa 2 Abril 2021. May nakalaang limandaang piso (PHP500.00) sa sampung magwawagi para sa bawat anyo.

5. Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado sa timpalak. (Komisyon sa Wikang Filipino)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

3 thoughts on “Sumali na sa Tula Táyo 2021

  1. Pandemya

    O maawaing Diyos
    Kami’y iyong gabayan
    Sa pandemyang malupit

    Eskwela ay nagulo
    Mga kaklase at guro
    Hindi makakasama

    Hindi na masilayan
    Pati mall at kainan
    Ano na ang itsura?

    Kahit sa paglalaro
    Sa labas ay di pwede
    Ingat, sabi ni Ina

    Ama dasal ay dinggin
    Kailan mawawala?
    Malapit na po sana!

    Diyona ni Euanne JC T. Guno

  2. Pandemya

    O maawaing Diyos
    Kami’y iyong gabayan
    Sa pandemyang malupit

    Eskwela ay nagulo
    Mga kaklase at guro
    Hindi makakasama

    Hindi na masilayan
    Pati mall at kainan
    Ano na ang itsura?

    Kahit sa paglalaro
    Sa labas ay di pwede
    Ingat, sabi ni Ina

    Ama dasal ay dinggin
    Kailan mawawala?
    Malapit na po sana!

    Diyona ni Euanne JC T. Guno

Comments are closed.

Previous post San Juan City Mayor Francis Zamora, nagpositibo sa COVID-19
Next post Why Smart Faucets Are The Next Big Thing In Homeware
%d bloggers like this: