
Health workers ng PGH, masmarami na ang nais magpabakuna gamit ang SINOVAC vaccine

MASMARAMI na ang nahikayat na mga health workers para magpabakuna gamit ang China-made Sinovac COVID-19 vaccine partikular sa Philippine General Hospital.
Ayon kay PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista para mabakunahan.
Si Legaspi ang kauna-unahang sumalang sa bakuna nitong Lunes na sinundan ng nasa 123 medical staff nila.
Matatandaan sa mga nagdaang pag-uulat, 2,500 hospital staff ang nagpahayag ng kagustuhang magpabakuna gamit ang Sinovac vaccine. Ngunit, nasa 12% porsyento lamang nito ang nagpabakuna dahil na rin sa mga aga-agam ng nakararami. Karamihan sa mga tumanggi ay ibang brands ang nais at handang maghintay na lamang sa pagdating ng suplay.
Samantala, saad ni Legaspi na maayos naman ang kanyang pakiramdam matapos siyang mabakunahan. (DM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
2 Pinoy kumpirmadong Patay sa lindol sa Turkey
Dalawang Pinoy ang kumpirmadong patay dulot ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye, ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary...
3 Pinoy nawawala matapos ang lindol sa Turkey
TATLONG Pinoy ang napabalitang nawawala matapos yumanig ang magnitude 7.8 na lindol kung saan ay libu-libo na ang nasawi at...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...