Home broadband services ng DITO, sisimulan sa 2022

image: pinoyformosa.com

SISIMULAN ng DITO Telecommunity Corp., ang paghahatid ng kanilang home broadband services sa bansa sa susunod na taon, ayon sa opisyal ng kumpanya nitong Martes, Marso 2.

Advertisements

“Ang balak namin, perhaps by next year, mago-offer na kami ng broadband services. ‘Yung sa bahay,” saad ni Adel A. Tamano, Chief Administrative Officer ng DITO sa isang news briefing nitong Martes.

Nilinaw din ni Mr. Tamano na sisimulan ng DITO ang kanilang mga serbisyo sa 15 areas sa Metro Cebu at Metro Davao sa darating na Marso 8.

10 areas dito ay bahagi ng Metro Cebu: Carcar, Cebu City, Consolacion, Danao, Liloan, Mandaue, Minglanilla, Naga, San Fernando, at Talisay. Ang iba pang mga lugar ay sa Metro Davao; Panabo, Tagum, Carmen, Davao City at Digos.

Aniya, napili nilang simulan ang pagsasakatuparan ng kanilang serbisyo sa Mindanao at Visayas areas para sa pagkokomersyalisasyon nito dahil mayroon itong “sentimental reason” kung bakit napili ang nasabing rehiyon.

Advertisements

“It was actually set up to serve the underserved areas,” dadag pa ni Mr. Tamano.

Samantala, inanunsyo ng National Telecommunications Commission nitong nagdaang Linggo na ang DITO ay mayroong napagkasunduan na kaya nilang serbisyohan ang 37.03% ng populasyon sa bansa at makapagbibigay sila ng minimum average broadband speed na 27 megabits per second (mbps) sa kanilang unang taon ng pagseserbisyo.

Sa iba pang balita, sinabi ng Ookla, ang kumpanya na nasa likod ng Speedtest, na ang Pilipinas ay mas napabuti na ang broadband average download speed nitong Pebrero. Aniya, mula ng manungkulan si Pangulong Duterte ay mas napabilis ang internet speed sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

“The 5.73 notch up from 32.73 Mbps… to 38.46 Mbps in Feb. 2021 represents a monthly increase of 17.51% and a 386.22% increase from the country’s download speed of 7.91 Mbps back in July 2016,” ito’y nakasaad sa isang news release.

Dagdag pa ng Ookla na ang mga mobile network sa bansa ay nag-improved din ang kanilang performance nitong nakaraang buwan.

Aniya, ang average download speed sa ating bansa ay 26.24 Mbps, na tumaas ng 252.68% mula sa 7.44 Mbps noong Hulyo 2016. (Ni Rex Molines / Photo: GMA Network)

https://www.facebook.com/DITOphofficial

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.