“VACC TO THE FUTURE,” ISINAGAWA SA LUNGSOD NG PASAY

Read Time:57 Second
Kuha ni: Mr. Ariel Gatchalian

NAGSAGAWA ng pagbabakuna ang lungsod ng Pasay sa kanilang “VACC to the Future” (Pasay COVID-19 vaccination) sa Pasay City West High School kahapon, Miyerkules, Marso 3.

Ang nasabing pagbabakuna ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Barangay officials, Bgy. Health Emergency Response Teams (BHERTs), POSU, BJMP, PNP, DRRMO, DILG, CHO at ilang private health care workers.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DOH) ngayong araw na ang lungsod ng Pasay ay nasa “critical” risk classification for local government units (LGUs) dahil sa mabilis na paghawa ng mga kaso ng COVID-19 doon.

Ayon pa sa isang eksperto, sa loob ng dalawang linggo ay lumobo ang kaso ng mga nagpopositibo sa virus sa nasabing lungsod na may 386% porsyento. At ang average daily attack nito ay nasa 24.7% per 100,000 population. (Ni Rex Molines | Kuha ni Ariel Gatchalian |Courtesy: Pasay City Public Information Office)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Home broadband services ng DITO, sisimulan sa 2022
Next post PICE initiates blood donation drive, collects nearly 15,000 cc of blood in Sultan Kudarat province
%d bloggers like this: