
Dahil sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa! Oplan Ligtas na Pamayanan – BFP NCR Pasay City

“TEAMWORK MAKES THE DREAMWORK.” Isa sa mga adhikaing isinusulong ng Bureau of Fire Protection sa Pasay City na magbigay paalala at kaalaman tungkol sa pag-iwas sa sunog ngayong Fire Prevention month 2021.
Kaya naman, pinaalalahanan ng BFP Pasay City Fire Station ang kanilang komunidad at ilang concern barangays na maging responsable sa mga naiiwanang nakasaksak na appliances na kadalasang nagiging dahilan ng sunog.
Sa pagtataguyod ng adhikaing ito, kaisa ng BFP Pasay City Fire Station ang Philippine School for the Deaf at ang kanilang mga Barangay partikular ang Sangguniang Barangay 39 Zone 5 para magbigay paalala ngayong Fire Prevention Month upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Ika nga ng BFP, “Dahil sa Pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa!” (Ni Rex B. Molines | 📷: BFP NCR Pasay City)
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official Facebook page ng
BFP-Pasay City Fire Station. Maaring tumawag sa kanilang hotline 8-844-2120.
Please watch, like and share.