
Brigada Iskwela 360 ng DJJES, matagumpay na naisagawa sa tulong ng PNP Dasmariñas City Cavite

HINDI pa man nakababalik ang mga mag-aaral sa bawat paaralan sa bansa dahil sa pandemya, hindi ito hadlang para mapangalagaan ang mga gusali at paligid sa bawat paaralan sa bansa.
Nagsagawa ng Brigada Iskwela 360 ang Delfin J. Jaranilla Elementary School (formerly Bucal Elementary School) nitong Biyernes, Marso 5.
Pinagsumikapan ng mga nangangasiwa ng iskwelahan na maibalik sa ayos ang kanilang paaralan sa tulong ng second (2nd) batch ng SIGLAT DAYAW Aviation Security Group mula sa hanay ng PNP Dasmariñas City.

Aniya, nagkusang-loob tumulong ang kanilang grupo sa pagsasaayos ng nasabing paaralan. Mula sa pagtatanim sa Gulayan sa Paaralan hanggang sa pagpintura sa Canteen building nito.
Taus-pusong pasasalamat ang ginanti ng pamunuan ng paaralan sa SIGLAT DAYAW Aviation Security Group sa pangunguna ni PCMS Neil M. Delos Santos, Field Training Officer ng Dasmariñas CPS.





Maging ang mga guro ng DJJES, mga magulang, at ang kanilang Officer Incharge/Principal Ms. Esmer Catapang ay lubos din ang pasasalamat sa matagumpay na proyektong ito.
Aniya, hindi ito magiging posible kung wala ang maayos na serbisyo at buong pusong dedikasyong inilaan ng mga tumulong upang maging maayos at ligtas ang kanilang paaralan lalo pa na nagpapatuloy pa rin ang pandemya sa bansa. (Ni Rex Molines | 📷: DJJES)