Angelica Panganiban, magpapahinga na sa pag-arte

Read Time:1 Minute, 29 Second
image: mostrending.ph

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Matapos ang mahigit dalawang dekada sa Showbiz industry, napagdesisyunan na ng Aktres na si Angelica Panganiban na magreretiro na siya sa pag-arte sa mga TV soap operas, movie flicks, partikular sa mga mabibigat na role nito.

Kilala ang aktres sa various roles nito mapa-Television, pelikula at maging sa sitcom.

Sinabi ng aktres na, “Yung decision naman na ‘yun hindi naman ‘yun overnight. Siyempre ilang taon kong iniisip.”

Ibinahagi ng aktres ang isa sa mga pumatok na movie nito na “That Thing Called Tadhana” na kaniyang binalik-tanaw ang lahat ng pahihirap sa pelikulang ito.

“Bakit ko pinapagod ng ganito yung sarili ko?’ and to think na simula six years old ako pinapagod ko na sarili ko. So parang kelan ka titigil? Tapos parang may mga question ako sa sarili ko na, ‘Ano pa ba ang gusto kong i-prove?’ Lalung-lalo na pagdating sa teleserye,” pagbubunyag ni Angelica sa isang interbyu ng Kapamilya network.

Aniya, hindi naman gusto ng aktres na kapag dumating yung time na babalik sya sa paggawa ng soap opera ay para lamang sa pera.

“Hindi naman sa nawawalan ako ng gana kaya lang ayokong umabot ako dun na hindi ko na gusto yung ginagawa ko bago ko siya tigilan,” pagbabahagi ng aktres.

Pagbubunyag pa ng Aktres na gusto na niyang makawala sa mundo ng pag-arte sa mga mabibigat na role nito at maiwasan na rin ang makaramdam ng pagka-burn-out. Kaniya namang pinagpapasalamat na siya ay nabigyan ng magagandang role sa mga proyektong ginawa nito at sa lahat ng kaniyang nakatrabaho at nakapareha.

“Okay na ako. Masaya na ako sa mga nagawa ko. Parang pwede ko na ito ibigay sa mga susunod na generation. Sila naman. Kaya naman nila yan,” pagtatapos ni Angelica. (DMS)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DPWH–SK 1st DEO starts its 2021 Women’s Month celebration by holding its first flag–raising ceremony to honor the endurance of women in coping–up the challenges of pandemic
Next post Julia at Gerald umamin na sa estado ng kanilang relasyon; Joshua Garcia nag-congratulate diumano sa dalawa

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: