Entertainment

Julia at Gerald umamin na sa estado ng kanilang relasyon; Joshua Garcia nag-congratulate diumano sa dalawa

image: screenshot from the official Instagram account of Ms. Julia Barretto

MAHIGIT dalawang taon nang pinag-uusapan ang tungkol sa diumano’y ugnayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa isang panayam ng Aktor na si Gerald kay Boy Abunda sa kanyang YouTube channel, mariing inamin ng aktor ang tunay na estado ng ugnayan nila ni Julia. Kaya naman, tinapos na ni Gerald ang usap-usapan tungkol sa kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila ni Julia. Doon ay umamin na nga ang aktor na may relasyon nga sila ni Julia.

Ngunit, hindi derechan na inamin ng aktor kung kailan naging opisyal ang kanilang relasyon.

Matatandaan noong Hulyo 2019, pinaghihinalaang may relasyon ang dalawa dahil spotted silang magkasama sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Dahil sa kaganapang iyon, itinuturong dahilan si Julia Barretto sa hiwalayang Gerald at Bea Alonzo ngunit mariin itong itinanggi nina Gerald at Julia.

Kahapon, Marso 7, ang ika-32 kaarawan ng aktor. Kaya naman, hindi na nagpabigil pa ang girlfriend nito na si Julia at binati siya nito sa kanyang Instagram account. Ito ang unang post ni Julia tungkol sa kanilang relasyon ni Gerald.

Umani naman ito ng samu’t saring batikos dahil sa mga nanggagalaiting mga fan ni Bea Alonzo. Tila hindi naman ito ininda ni Julia at Gerald dahil sanay na ang dalawa na mapag-usapan at ma-bash.

“Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful [white heart emoji]. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.” Pahayag ni Julia Barretto sa kaniyang ipinoste na larawan at caption sa official Instagram account nito.

Samantala, mabilis na kumalat ang post ng ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia na kaniyang kino-congratulate ang dalawang bagong magkasintahan sa Facebook account nito. Nilinaw naman ni Joshua na wala siyang Facebook account. Nakalagay sa ipinoste sa nasabing Facebook account ng aktor, “Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto.” (Señorita Ruth)

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Julia at Gerald umamin na sa estado ng kanilang relasyon; Joshua Garcia nag-congratulate diumano sa dalawa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: