Banner Story

Restrictions sa Metro Manila, hihigpitan dahil sa mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases

image: CNN Philippines

MULING ipatutupad ang Curfew, at quarantine pass sa Metro Manila na patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular sa National Capital Region.

Gaya ng sa Caloocan, ang mga residente ay kinakailangang gumamit muli ng quarantine pass kung pupunta ng palengke at kailangan din sumunod sa ipinatutupad na curfew hours mula 10 pm hanggang 4 am.

Ibinahagi ni Mayor Oscar Malapitan sa kanyang mga barangay captains nitong Sabado, (Marso 6, 2021) na kanilang ipatutupad ang bagong quarantine guidelines alinsunod sa city government’s public information office.

Advertisement

Nagbigay babala at paalala rin si Joel Bacolod, Chairman ng Barangay Bagong Silang sa kanyang ipinoste sa official Facebook account nito para sa kanilang mga residente tungkol sa pagpapatupad muli ng curfew at quarantine passes.

Ang Bagong Silang ay ang pinakamalaking barangay sa Caloocan.

Maging sa lungsod ng Pasay ay sinisita at hinuhuli ang mga residente doon na walang suot na face mask.

Sa iba pang balita, hindi na muna bubuksan ang mga sinehan at amusement arcades ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Benhur Abalos na kaniyang inanunsyo kahapon, Linggo, Marso 7.

Aniya, pinagdesisyunan rin ito ng mga Mayor sa NCR sa kanilang naging zoom meeting noong Sabado. Aniya, maghahain sila ng resolution upang masmapagtibay ito ngayong araw.

“The surge in the number of COVID-19 cases is quite alarming.” saas ni Abalos.

Sinabi pa ni Abalos na kailangan din na magkaroon ng paghihigpit sa contact tracing para maiwasan ang paglobo ng COVID-19 cases.

Pahayag din ng OCTA Research group na kanilang pinaaalalahanan ang publiko na maari pang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dahil sa mabilis na pag-mutate ng virus variants. (RBM)

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Restrictions sa Metro Manila, hihigpitan dahil sa mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: