Banner Story

Kris Aquino, nagpahiwatig na tatakbo sa Halalan 2022

NAGPAHIWATIG si “Queen of all media” Kris Aquino na kanyang papasukin ang pulitika matapos siyang mag-trigger sa ilang social media rumors at sa panghuhusga sa kanyang dalawang anak.

Dinepensahan ni Aquino ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa mga pang-iinsultong nararanasan ng mga ito sa social media partikular na kuwestiyunin ang sekswalidad ni Bimby. Dahil dito ay tila nagpahiwatig at nagbanta ang aktres sa naging post nito sa kanyang social media account na may caption na, “That yellow brick road is starting to look very inviting now.”

Tila na-misinterpret diumano ang aktres sa kanyang pahayag ukol sa kanyang ipinoste sa social media account nito.

Dahil dito, halos pagtawanan si Aquino ng ilan sa kanyang mga tagahanga kung kaya’t hindi maiwasan mag-isip ang mga netizen sa ipinoste ni Aquino na tila “nagpapahiwatig” o “nagbabanta” ito para pumasok sa pulitika.

“Kris Aquino is threatening to enter politics for the pettiest of reasons and with the absolute negligence on what the post is and how it will impact the electorate,” sabi ng isang user account sa comment nito kay Kris Aquino.

Aniya, ginawang reference ng aktres ang “yellow brick road” sa isang 1939 fantasy musical na “Wizard of Oz” na ang kanyang tinutukoy ay ang planong paglipat sa Tarlac. Nilinaw ito ni Aquino sa kanyang social media accounts na ipinoste ngunit agad naman niya itong binura. Pero patuloy pa rin itong naaaccess sa Facebook.

“Some are now triggered without really studying my words…in the Wizard of Oz, Dorothy traveled the yellow brick road only to realize ‘there is no place like home,’” pahayag ni Aquino.

Sa kanyang “mic drop” post, ipinahayag ni Aquino na hindi mangyayari na siya ay tatakbo sa pulitika. Hindi ito ang tamang panahon.

“2022? Not likely…You deserve a healthy public servant, able to be there for you 24/7. You deserve someone who went back to school to study finance and community development. And my youngest should already be in college so that whatever is thrown his way, he’ll be well-equipped to defend himself,” Aniya ni Aquino.

Paglilinaw ni Aquino na kailangan na mag-”earn” ng respeto sa publiko bago pumasok sa pulitika.

“In other words, for me to gain your respect, especially in public service, I must prove to you that I earned it, and that I didn’t feel entitled to it,” “Trust me when I say, I shall study, immerse and I will win your approval because I worked harder than what is demanded,” dagdag pa ni Aquino. (RBM)

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Kris Aquino, nagpahiwatig na tatakbo sa Halalan 2022

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: