
Manila, Philippines — INAPRUBAHAN na ng Senado ang third and final reading ng Bill No. 1741 bilang Chocolate Capital of the Philippines ang Davao City at ang buong Davao Region bilang cacao capital of the Philippines.
Base sa Senate Bill No. 1741, kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng cacao bilang simbulo ng rural development o ang pag-unlad ng isang rehiyon sapagkat ito ay ginagamit bilang isang raw material sa paggawa ng cocoa nibs, cocoa liquor, cocoa cake, cocoa butter, cocoa powder, at chocolate confectionary blocks.
Aniya, malaki ang naitutulong ng pananiman ng cacao sa nasabing rehiyon dahil nakakapag-export ng cacao ang ating bansa na malaking tulong para sa mga maliliit na magsasaka. Noon pa man ang ating bansa ay kilala na sa pagpo-produce ng cacao na siyang pangunahing sangkap para makagawa ng napakasarap at dekalidad na tsokolate.

Si Senator Cynthia Villar ang author ng nasabing bill No. 1741 na kanyang pinagbatayan ang Philippine Statistics Authority. Aniya, 78.76% ng annual cacao production sa bansa ay mula sa Davao Region, at mahigit 20,000 hectares ng cacao farms ang mayroon sa nasabing rehiyon.
“The bill hopes to make Davao City and the Davao Region become an inspiration and a benchmark to motivate other local government units to emulate.” pahayag ni Villar.
Ang Davao region ay tahanan ng mga local chocolatier ng Malagos Chocolate at Auro Chocolate kung saan ay nagwagi ito ng multiple international award. (RBM)
You must be logged in to post a comment.