“Bahay Kubo,” popular Tagalog folk song sa ating bansa at madalas itong awitin ng mga chikiting, sa eskwelahan at kahit saan man at halos lahat ay inaawit ito, maging ang ilang foreigner na naninirahan dito sa ating bansa at nais matuto sa ating kultura, pagkain at mga kasanayan. Binabanggit sa awiting ito ang iba’t ibang uri ng mga gulay na makikita sa mga taniman, sa paligid o bakuran ng bahay. Ngunit may isang gulay dito ang ādi nabibigyang pansin at tila bibihira lang makita sa mga palengke o super market, ito ang “Kundol”.
Kahit sa mga karinderya o sabihin nating medyo sosyal na restoran ay hindi ito naisasama sa kanilang mga putahe o menu. Panigurado, wala pa sa atin ang nagtatanong nang “Ate, may ginisangĀ kundolĀ po ba kayo?” Bukod sa mga lutuing karne, madalas din nating nakikita ang mga lutuing bahay tulad ng pakbet, adobong sitaw, ginisang pechay at ginatang langka. Mababaw man ang usaping ito ngunit dapat nating bigyang importansiya kung ano nga ba ang tunay na pakinabang ngĀ kundolĀ sa ating pamumuhay, kalusugan at maging sa ating agrikultura? Kaya ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa gulay na kulang sa pansin.Ā
ANG KUNDOL O WHITE GOURD
AngĀ KundolĀ o white gourd sa Ingles na karaniwang tawag ay “mapagkit o puting kalabasang ligaw” dahil ang balat nito ay makapal at medyo matigas. Ang mga sanga nito ay pinagagapang sa mga kawayan na kagaya ng pagtatanim ng upo o ampalaya dahil sa napakalaki nitong bunga. Nababalot ng himulmol ang bunga nito kapag bata pa o mura pa. Kapag ang bunga nito ay nasa hustong gulang na para pitasin, kusang naaalis ang mga buhok o hibla Ā nito at maaring maiimbak ng matagalan na hindi nasisisra.
Karaniwang tinatawag din itong āwinter melon,’ at marami ang nalilinlang sa katawagang ito dahil hindi naman isang uri ng matamis na prutas angĀ kundol. Ayon sa Wikipedia online, lumalaki angĀ kundolĀ ng hanggang 2 metro ang haba na tumitimbang ng 2-5 kilo at may pagkakataong umaabot din sa 7 kilo ang bigat. Ang pagtataniman nito ay karaniwang inaalagaan sa Timog-silangang Asya, maging sa ating bansa.
KILALANG GAMOT SA KIDNEY AT IBA PA
Ayon sa mga dalubhasa sa herbal medicine, kilalang gamot sa kidney at pampatanggal ng bulate ang kundol. Aniya, nakatutulong din ito para sa mga kalalakihan na magkaroon ng sapat na sperm count. Kailangan gawin ay lutuin ang buto ng kundol at haluan ito ng gatas upang magkaroon ng lasa. Mababatid din ang kaalamang ito sa internet at iba pang babasahin.
KATANGI-TANGING BITAMINA NG KUNDOL
Maraming bitamina ang makukuha rito tulad ng Vitamin C at K, Dietary Fiber, Iron, Magnesium, Thiamin, Zinc, Manganese at Potassium.Ā
CHIKITING, PAHIRAPAN SA PAGKAIN NG GULAY
Karamihan sa atin, lalo na ang mga kabataan ay ayaw kumain ng kulay. Kanilang dahilan, walang lasa ang gulay, hindi feel kainin ang texture nito dahil sa green leaves o itinuturing na damo at mapakla. Mas pinipili pa ng mga chikiting na kainin ang preservative food tulad ng hotdog, sausage, burger patty at iba pa. At tila wala rin sa listahan ng ating mga butihing mommy ang pagpapakain o pagluluto ngĀ kundol.
KUNDOL; NEGLECTED CROP IN THE PHILIPPINES
KundolĀ is a neglected crop in the Philippines. Ito ang titulo sa artikulo na aming nakalap Ā mula sa Federation of Freefarmers sa internet. Aniya, ang pagatatanim ngĀ kundolĀ ay napapabayaang palaguin o hindi nabibigyang pansin sa ating bansa. Bagay na dapat nating linangin at sikaping mapalago ang produksiyon nito upang maibigay batid sa lahat na angĀ kundolĀ ay nag-eexist sa ating agrikultura.
PAGGAWA NG MINATAMIS NAĀ KUNDOL
Bukod sa nakasanayan nating lutong gulay tulad ng paggisa at iba pang pamamaraan. Naghanda ang inyong KAMILENYO ng isang recipe pang merienda na tiyak kagigiliwan ng mga bata at maging ikaw na nagbabasa nito. Ito ay ang paggawa ng minatamis naĀ kundol.
Narito ang mga dapat ihanda sa paggawa ng minatamis naĀ kundol;
Mga Recipe;
1medium size ng kundol.
1kilo puting asukal.
5 basong tubig
1 tbsp. baking soda (Pwede rin Lime o apog)
1 tbsp. Lye water
PAMAMARAAN
Peel thinly o balatan ng bahagya angĀ kundol, mainam na hatiin ang bunga nito sa apat na bahagi para masmabilis itong mahiwa ng manipis.
Slice or cut as desired. Hiwain ito ayon sa iyong kagustuhan, pwedeng gumamit ng panghiwa na may iba’t ibang designs.
Matapos hiwain. Kumuha ng malinis na tubig na may sukat na 5 cups of water, at isabay sa pagbuhos ang 1tablespoon ng baking soda at isang kutsaritang Lye water (pwede rin ang lime o apog) na siyang magma-maitain ng pagka-crispy ngĀ kundolĀ at ma-maintain din ang kulay nito.
I-soak o ibabad ang slice naĀ kundolĀ ng 10 hanggang 12 oras o magdamagang ibabad ito.
Kinabukasan, matapos ibabad, hugasan ng mabuti ang mga piraso ngĀ kundolĀ sa malinis na tubig o cold water at i-drain. Matapos idrain, babanlian naman ito sa kumukulong tubig o boiling water ng panandalian lamang. Hanguin muli angĀ kundolĀ at ihiwalay pansamantala sa boiling water para naman maisunod ang paggawa ng arnibal o syrup na magmumula sa asukal na puti na may sukat lamang na 1/3 kilo o 700 gramo.Ā
Pakuluan ito ng 15-20 minuto. Hayaan munang mag-thick ang arnibal o syrup. Pagmalapot na ang arnibal ay pwede ng ilagay muli angĀ kundol. Pakuluan ito ng isang beses lang at presto! I-cool down lamang pansamantala at pwede ng i-serve ang ating minatamis naĀ kundol. Pwede rin itong gawin naĀ kundolĀ candy, hanguin lamang ito sa arnibal at muling i-drain at ibukod ng lalagyanan, kusa itong mamumuti na parang kasing texture din ng candy. (Ni Rex B. Molines)

Share this:
Like this: