
P15 billion napunta diumano sa 711 Hospitals sa bansa ayon sa PhilHealth

MANILA, Philippines — “Hindi nawawala ang P15B. Napunta ito sa 711 ospital sa bansa bilang ayuda sa pandemya at para mapanatili silang bukas para sa mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan.” Ito ang ipinoste ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang official social media account nitong Lunes, Marso 8, matapos na maglabas ng infographic na nakasaad doon kung saan nga ba napunta ang P15 billion kontribusyon ng ating mga manggagawang Pinoy sa bansa.
Sa inilabas na statement ng ahensya, P14.21 billion or 95% ng fund nito ay napunta diumano sa 711 hospitals sa bansa, para ipaayuda sa treatment ng mga COVID-19 patients.
Isinama rin nila dito ang link sa kanilang latest updates ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) liquidation update, ang huling pag-update nito ay noong Pebrero 26 lamang.
Hindi nawawala ang P15B.
— PhilHealth (@teamphilhealth) March 8, 2021
Napunta ito sa 711 ospital sa bansa bilang ayuda sa pandemya at para mapanatili silang bukas para sa mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan.
Para sa IRM liquidation updates, i-click ang https://t.co/Bi5YFrxg4E#MyPhilHealth pic.twitter.com/khEuSadK1S
Dahil sa paglabas ng ahensya ng inforgraphics, hindi maiwasan ng mga netizen na kanilang pagtawanan kung paanong interpretasyon na ginawa ng ahensya ukol sa nasabing liquidation tracker nito.
Ipinunto ng mga netizen kung paanong “magical” infographics ang ipinakita ng ahensya.
Sinabi pa ng ilang Pinoy sa bansa na maghihintay na lamang daw sila sa kung ano ang magiging resulta sa balitang ito mula sa Commission on Audit kaysa paniwalaan daw ang PhilHealth. (DM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...
‘Pinas at Vietnam, nagkasundo na palakasin ang intel sharing sa gitna nang territorial claims sa karagatan
COMBODIA -- Nagkasundo si Panguong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh nitong Huwebes [November 10],...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...