Liga ng mga Barangay pinasalamatan si Cong. Hernandez sa pag–allocate nito ng pondo para sa 93 DOLE–TUPAD beneficiaries mula sa 1st District ng probinsya ng South Cotabato

KORONADAL CITY, Philippines –– Sa isang simpleng–seremonya, masayang tinanggap ng 93 katao ang kanilang mga sahod sa ilalim ng programang “TUPAD” (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mula sa bayan ng Tampakan.

Ang TUPAD ay isang “community-based package of assistance that provides emergency employment for displaced workers, underemployed and seasonal workers, for a minimum period of 10 days, but not to exceed a maximum of 30 days, depending on the nature of work…”  

Ayon sa pinosteng ulat ng “Liga ng mga Barangay” sa probinsya ng South Cotabato sa kanilang Facebook account, ang 93 na mga benepisaryo ng nasabing programa ay mula sa pito (7) na mga barangay ng Tampakan, kung saan isa sa tatlong mga munisipyo na bahagi ng first congressional district ng probinsya.

Ang nasabing sahod ng 93 TUPAD–beneficiaries ay mula sa alokasyon ni Deputy Speaker/South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez para sa first district na naging posible dahil naman sa inisyatibo ni Federation of the Association of Barangay Captains (FABC) President Rolando Malabuyoc.

Nagpasalamat naman ang Liga ng mga Barangay sa probinsya ng South Cotabato sa suportang ibinigay ni Congressman Hernandez sa pagbibigay ng alokasyon para sa unang–distrito ng probinsya.      

“Big THANK YOU to Congressman Ferdinand L. Hernandez for allocating his funds to the 1st District, with the initiative of FABC President Rolando D. Malabuyoc,” sabi ng Liga ng mga Barangay sa pinoste nitong mensahe.

Pinasalamat din ng nasabing Liga ng Mga Barangay ang suportang ibinibigay sa kanila ni Congresswoman Shirlyn Banas–Nograles.

Pinaslamat din nila sila FG Danny Nograles, Vice Governor Vic De Jesus, PB Noli Jalagat, PB Wilfredo Epe at ang miyembro ng barangay council ng Barangay Sta. Cruz sa pagdalo sa nasabing okasyon na ginanap noong March 9, 2021.

Samantala, pinuri naman ng “netizen” na si Kristine Velasco ang ginawang alokasyon ni Congressman Hernandez para sa mga benepisaryo ng DOLE–TUPAD na programa sa unang–distrito ng probinsya.

“Yan ang tunay at may malasakit na leader ng ating probinsya…Mabuhay ka Cong. Dinand Ledesma Hernandez,” sabi ni Ms. Velasco. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Liga ng mga Barangay–South Cotabato FB account)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.