
HUMARAP at kinumpirma na ang usap-usapan tungkol sa estado ng relasyon nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isang interbyu sa GMA Network.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap na nga ang dalawa sa isang TV interview ng Kapuso Network kung saan ay tinanong ang aktres kung ano ang naramdaman niya na una niyang makita ang aktor na si Derek Ramsay.
“I just met him in person [last] January, hindi ko pa siya na-meet before, never pa kaming nagkita in person. When I see his picture, hindi naman sa pangit, guwapo but okay, ‘yun lang. And then when I saw him in person, my jaw dropped,” sabi ni Ellen.
Ayon sa bagong magkasintahan na hindi raw importante sa kanila kung gaano kahaba o kaiksi ang pinagsasamahan nila bagkus kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.
Matatandaan na parehong may pinagdaanan ang dalawa sa dati nilang mga nakarelasyon at ito naman daw ay kanila nang nalagpasan.
Ngunit nang tanungin ang mag-couple ay naging seryoso sila sa pagsagot at kanilang nilinaw na wala namang samaan ng loob o galit sa kani-kanilang mga nakarelasyon noon.
Masayang ibinahagi rin ng dalawa na madalas daw ang kanilang pag-uusap, mula sa simpleng mga usapin hanggang sa mga seryosong usapin sa buhay at iba pa.
“Actually I haven’t talked about the future with him because before, I think I’ve been very vocal about it na ayoko talagang magpakasal. I want a kid, a baby, I can’t imagine myself getting married,” sabi ni Ellen.
“Sobrang kumportable kaming makipag-usap sa mga bagay na we would definitely make a stance in the past,” sabi ni Derek.
“Like when I hear that word (marriage) I’m gonna walk away na, iwan ko na, ayoko na,” hirit naman ni Ellen.
Ayon naman kay Derek, “‘Di ba may reputation ako na ayoko magpakasal dahil ako ‘yung lalaki, and I’ve always been vocal na no, I want to, I’m just not rushing it kasi I want to find the right person and talking about the future and talking about the M word seems so natural. Like I have no fear.” (Ni Señorita Ruth / Source: GMA Network)